Published On: Fri, Jul 1st, 2011

Ang Sentensyang Kamatayan (Death Penalty) sa Pilipinas

KAMAKAILAN LANG, umugong na naman ang usapin tungkol sa parusang kamatayan, pagkatapos sumambulat sa balita ang ilang karumal-dumal na krimen.

Ang parusang bitay ay kailanman hindi nagsilbi sa kapakanan ng hustisya; bagkus, ito’y ginamit upang kitlin ang mga kalayaan at karapatan ng mamamayang Pilipino. Mula sa panahon ng mga Kastila hanggang sa panahon ni Marcos, ang parusang bitay ay ginamit sa politikal at ekonomikong paniniil.

Panahon ng Kastila (1521-1898)
• Ilan sa paraan ng parusang kamatayan na ginamit ng mga Kastila ay pagsunog, pagpugot ng ulo, paglunod, garote, pagbitay, pagbaril, pagsaksak at iba pa.
• Sa Codigo Penal ng 1848, ipinataw ang sentensyang kamatayan sa mga Pilipinong tutol sa pamamahala ng mga Kastila.

Panahon ng Amerikano (1989-1934)
• Ginamit ang parusang bitay sa kampanyang “pacification” ng mga Amerikano at upang supilin ang mithiing pagsasarili ng mga
Pilipino. Ipinasa ang Sedition Law, Brigandage Act, Reconcentration Act at Flag Law upang pagtibayin ang marahas na parusa, kabilang na ang death penalty, sa mga makabayang Pilipino.
• Nang rebisahin ang Codigo Penal noong 1932, idinagdag sa lista ng capital offense (mga krimeng mapaparusahan ng bitay) ang treason, parisidyo, pamimirata, kidnapping, murder, panggagahasa at robbery with homicide.

Japanese Occupation (1941-1945)
• Walang nakatalang nabitay sa panahong ito dahil laganap naman ang extrajudicial na pagpatay.

Pagkatapos ng Ikalawang Digma
• Idinagdag ang espionage sa mga krimeng may parusang bitay. Sa ilalim ng Anti- Subversion Law, ang mga lider Komunista ay papatawan ng parusang kamatayan.

Presidente Marcos (1965-1986)
• Nadagdagan at naging 24 ang mga krimeng may parusang kamatayan, kabilang na ang subersyon, arson, hijacking, illegal fishing, cattle rustling, unlawful possession of firearms, atbp.
• “Deterrence” ang naging opisyal na kadahilanan sa pagpataw ng death penalty. Ito rin ang gagawing batayan sa pagpataw ng Batas Militar noong 1972.

Presidente Corazon Aquino (1986-1992)
• Sa ilalim ng 1987 Saligang Batas, inabolish ang parusang kamatayan. Lahat ng sentensyang kamatayan ay ibinaba sa reclusion perpetua. Ngunit noong 1988, nagsimulang mag-lobby ang militari na ibalik ang parusang bitay para sa mga krimeng kaugnay ng insurgency.

Presidente Fidel Ramos (1993-1998)
• Bilang reaksyon sa mga krimeng “high-profile”, nagkarooon ng  sapantahang tumataas ang karumal-dumal na krimen.
• Ipinasa ang RA 7659 noong Disyembre 1993 diumano upang masugpo ang sinasabing tumataas na kriminalidad.
• 46 na krimen ang nakalista sa RA 7659 na maaring patawan ng kamatayan.
• Lethal injection ang magiging paraan ng sentensyang kamatayan.

Presidente Joseph Estrada (1998-2001)
• Sa harap ng malawakang kampanya laban sa death penalty, itinuloy ang pagpataw ng parusa kay Leo Echegaray noong Pebrero 1999. Anim pang iba ang sumunod kay Echegaray.
• Noong 1999, kung kailan naganap ang karamihan sa execution, tumaas naman ang bilang ng krimen sa bansa ng 15.3% kumpara sa nakaraang taon.
• Nag-isyu ng de facto moratorium sa pagbitay si Presidente Estrada kaalinsabay sa pagdaos ng Jubilee Year.

Presidente Gloria Arroyo (2001-2010)
• Sinabi ni Arroyo na hindi siya pabor sa parusang kamatayan.
• Dala ng tumataas na bilang ng krimeng may kaugnayan sa droga at kidnapping, inanunsyo ni Arroyo na ibabalik niya ang pagbitay “para matakot ang mga kriminal.” Noong Disyembre 5, 2003, tinanggal ni Arroyo ang moratorium sa bitay.
• Noong Hunyo 2006, nilagdaan ni Arroyo ang batas na nagpapawalang-bisa sa parusang kamatayan.
• Noong Septyembre 2006 naman, nilagdaan ng Pilipinas ang Second Optional Protocol sa International Covenant on Civil and Political Rights (ICCPR). Kinikilala ng kasunduang ito ang karapatan ng isang tao laban sa parusang kamatayan. Ipinagbabawal ng Protocol ang pagpataw ng parusang kamatayan sa sinumang mamamayan ng isang bansang lumagda sa nasabing protocol. Tahasang ipinagbabawal din ang muling pagpapataw ng death penalty.

Pinaghalawan: “The Criminal Justice System and the Death Penalty,” Mamamayang Tutol sa Bitay-Movement for Restorative Justice, 2006.

Displaying 1 Comments
Have Your Say
  1. [...] Philippine Human Rights Information Center Posted Wednesday, August 31st, 2011 (1 minute ago) under Human Rights Info. Tags: Death, Kamatayan, Penalty, Pilipinas, Sentensyang [...]

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

*