Pati ba naman ang party-list hindi pinatawad?
Ni NYMIA PIMENTEL SIMBULAN Dr. P.H.
Tapos na ang eleksyon! Nadeklara na ang karamihan sa mga kandidatong nakakuha ng pinakamaraming bilang ng boto sa pamamaraang malinis, marumi at/o kumbinasyon ng dalawa.
Nakapagbigay na ang presidente ng kanyang “State of the Nation Address” (SONA) na tulad ng inaasahan ay batbat ng mga pangakong malamang ay mapapako at mga panaginip na nananatiling panaginip. Nagsimula na ring gumulong ang pagbalangkas at paggawa ng mga inisyatiba at batas – importante man o walang kwenta – sa pagbubukas ng ika-14 na Kongreso.
Sa gitna ng mga kaganapang ito, nananatiling nakabitin ang hinaharap ng mga kinatawan ng mga lehitimong grupong party-list na nagsipagpanalo noong nakaraang Mayo 2007 eleksyon. Isang mainit na isyung hinaharap ng mga grupong party-list ay ang paggamit ng Comelec sa tinaguriang Panganiban formula sa pagtukoy kung ilang kinatawan ang uupo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa bawat party-list na nakakuha ng di-bababa sa 2% ng kabuuang boto ng party-list nitong nakaraang eleksyon.
Nitong 2007 eleksyon, nasalang ang katayuan at hina-harap ng mga lehitimong party-list. Humarap ang mga ito sa mga kahirapan at hamong nagbabad-ya ng mga problemang kaka-harapin nito sa mga susunod na eleksyon. Kabilang dito ang pagtakda ng bilang ng kinata-wang uupo sa Kongreso mula sa bawat party-list na nakatamo ng minimum na 2% ng kabuuang boto at pagtukoy ng “pro-portional representation”.
Ang sistemang party-list sa Pilipinas
Malinaw ang intensyon at layunin ng mga bumalangkas ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas nang isama nila ang Artikulo VI, Seksyon 5.2 na nagsasaad na:
The party-list representatives shall constitute twenty per centum of the total number of representatives including those under the party list. For three consecutive terms after the ratification of this Constitution, one-half of the seats allocated to party-list representatives shall be filled, as provided by law, by selection or election from the labor, peasant, urban poor, indigenous cultural com-munities, women, youth, and such other sectors as may be provided by law, except the religious sector.
Ito’y upang mabigyan ng representasyon at tinig ang mamamayan, laluna ang mga marginalized, sa pagbalangkas ng mga batas ng bansa sa pama-magitan ng kanilang mga grupong party-list. Nakasaad din sa Seksyon 2 ng Republic Act 7941 o ang Party-List System Act (1995) na:
The State shall promote proportional representation in the election of representatives to the House of Representatives through a party-list system of registered national ,regional and sectoral parties or organizations or coalitions thereof, which will enable Filipino citizens belonging to the marginalized and underrepresented sectors, organizations and parties, and who lack well-defined political constituencies but who could contribute to the formulation and enactment of appropriate legislation that will benefit the nation as a whole, to become members of the House of Representatives….
Nakasaad din sa RA 7941 ang tungkulin ng Estadong paunlarin at igarantiya ang isang sistema ng party-list na lubos na malaya at bukas upang makamit ang pinakamalawak na representasyon ng interes ng mga partido, sektor at grupo sa Kamara.
Simula nang itatag at gumana ang Kongreso ng Pilipinas, ito’y binuo ng mga mayor at tradisyunal na parti-dong pulitikal na suportado ng mga makapangyarihan at mayayamang pamilyang ang pang-ekonomikong interes ay nakasalalay sa malalaking lupain, hasyenda, pagtotroso, kalakalan at negosyo. Naging pangunahing katangian ng pulitika sa bansa ang pag-iral ng tinatawag na two-party system na namalas sa mahabang panahon sa pangingibabaw ng Partido Nasyonalista at Liberal bago ideklara ang batas militar noong 1972.
Kung tutuusin, walang malaking pagkakaiba ang dalawang partidong ito sa usapin ng komposisyon at pampulitikang programa o plataporma. Parehong binuo ng mga pulitikong galing sa mga angkan o pamilya ng mga pulitiko (political dynasties), may malalaking pag-aari at pino-protektahang interes sa sektor ng agrikultura, kalakalan at negosyo, may mga pribadong hukbo, at ginamit ang posisyon sa gobyerno para higit pang palakasin at palakihin ang kanilang ekonomikong base.
Depende kung anong partido sa isang partikular na yugto ng kanilang political career ang mas makapagsisilbi’t makapag-aangat ng kanilang pampulitiko’t ekonomikong interes, doon sila sasapi at papanig. Kaya’t kapansin-pansin noong bago ideklara ang batas militar, ang pagpapalit o paglipat ng partido ng mga pulitiko bago, pagkatapos at/o sa pagitan ng mga eleksyon. Ito ang tinaguriang turncoatism, isang katangian ng pulitika sa bansa na matingkad ding umiiral sa takbo ng kasalu-kuyang pulitika.
Kaya’t nang mapabagsak ang paghahari ng diktadurang Marcos noong Pebrero 1986 at mabuo ang Constitutional Convention (ConCon), isa sa mga kahinaan ng pampu-litikang sistema sa bansa na nilayong baguhin ng mga delegado ay ang pag-alis ng two-party system at pagpapairal ng multiparty system kasama na ang pag-iinstitusyunalisa ng sis-temang party-list.
Ang sistemang party-list ay matagal nang umiiral sa mga bansang ang karaniwang porma ng gobyerno ay parliya-mentaryo (Veterans Federation Party, et al. vs. Comelec, et al., G.R. No. 136781, October 6, 2000). Ilan dito’y ang Alemanya, New Zealand, Denmark, Timog Korea, Rusya, Taiwan, Hungary, Thailand, Ukraine, at Mexico. Sa katunayan, masasabing ang sistemang party-list sa bansa ay bahagyang naimpluwensyahan at ibinatay sa modelo at praktika ng ilang bansang nabanggit sa itaas.
Ngunit may mga katangian ang Philippine style party-list system na nagtatakda ng pagiging kakaiba ng modelo sa bansa (Veterans Federation Party, et al. vs. Comelec, et al., 2000). Ito ay ang mga sumusunod:
1. 20% alokasyon – Ang kabuuang upuang nakalaan sa lahat ng kinatawan ng party-list ay hindi lalampas sa 20% ng kabuuang kasapi ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Samakatwid, ang 20% kabuuang upuan para sa lahat ng kinata-wan ng party-list ay nakabatay sa kabuuang bilang ng congres-sional districts sa panahon ng eleksyon. Sa nakaraang Mayo 2007 at 2004 na eleksyon, ang kabuuang congressional districts ay 212. Ang 20% nito’y katum-bas ng 42 upuan para sa lahat ng kinatawan ng party-list sa House of Representatives (HoR) (Muga; Panganiban, 2007).
Batay sa desisyon ng Korte Suprema sa Veterans Federation Party vs. Comelec, ang 20% limit na kabuuang bilang ng kinatawan ng mga party-list sa HoR na nakasaad sa 1987 Konstitusyon ay hindi kai-langang punuan sa lahat ng panahon at sa anumang sirkumstansya. Samakatwid, hindi kailangang nakaupo sa HoR ang 42 kinatawan ng party-list. Hindi rin pwedeng punuan ang 20% sapagkat kapag nangyari ito, binabangga naman nito ang Artikulo VI, Seksyon 5.1 ng 1987 Konstitusyon na nagsasaad na:
The House of Representatives shall be composed of not more than two hundred and fifty members, unless otherwise fixed by law, who shall be elected from legislative districts apportioned among the provinces, cities, and the Metropolitan Manila area in accordance with the number of their respective inhabitants, and on the basis of a uniform and progressive ratio, and those who, as provided by law, shall be elected through a party-list system of registered national, regional, and sectoral parties or organizations.
Kapag inobligang punuin ang 20% para sa party-list, magiging 254 ang kabuuang miyembro ng HoR. Ito’y mali-naw na paglabag sa Kons-titusyon na nagtatakdang hindi dapat lumampas sa 250 ang kabuuang kinatawan sa HoR (Panganiban, 2007).
2. 2% vote threshold – Ang bawat kwalipikadong grupo ay kailangang makatamo ng minimum na 2% ng kabuuang boto para sa party-list upang makakuha ng isang upuan sa HoR. Layon ng Kongreso, pati na ng mga bumalangkas ng 1987 Konstitusyon, na matiyak na ang mga partido, organisasyon at koalisyong may sapat na bilang ng nasasakupan at tagasuporta ang mabibigyan ng representasyon sa Kongreso sa pamamagitan ng party-list. Kaya’t nagtakda ito ng 2% vote threshold.
3. Paglimita sa 3 upuan – Ang bawat kwalipikadong grupo na makakuha ng minimum na 2% ng kabuuang boto para sa party-list ay maaaring magkaroon ng 2 pang karagdagang upuan sa HoR o maksimum na 3 upuan bawat party-list, depende sa kabuuang botong nakuha nito. Nilimita ng mga delegado sa ConCon sa 3 ang kinatawan ng bawat kwalipikadong party-list upang mahikayat ang pluralis-mo at pag-iral ng multiparty system. Sa ganitong paraan maiiwasan ang pagdomina ng iilang partido, organisasyon o koalisyon sa party-list sa Kongreso.
4. Prinsipyo ng pro-portional representation – Ang dagdag na upuang makukuha ng isang kwalipikadong grupo ay itatakda sa pamamagitan ng proportional representation.
Sa desisyon ng Korte Suprema sa Veterans Federation Party vs. Comelec, ang problema sa pagtakda ng proportional representation sa pamamagitan ng isang matematikal na pormula ang isa sa mga usaping sinagot sa desisyon. Ito ang tinaguriang Panganiban formula.
Batay sa Panganiban formula, ang dagdag na upuang makukuha ng isang grupong party-list pagkatapos nitong makakuha ng di-bababa sa 2% ng kabuuang boto sa party-list sa isang eleksyon ay matutukoy sa pamamagitan ng sumusunod:
Sa Panganiban formula, nakabatay sa kabuuang bilang ng Numero Unong party-list ang bilang ng dagdag na kina-tawan ng iba pang kwalipi-kadong party-list. Samantala, ang pagtakda ng dagdag na bilang ng kinatawan para sa Numero Unong party-list ay naka-depende kung ang kabu-uang bilang ng botong nakuha nito ay umabot ng di bababa sa 4% ng kabuuang boto para sa party-list kung saan mayroon itong 2 kinatawan o di bababa sa 6% kung saan mayroon itong 3 kinatawan sa Kongreso.
Ang Panganiban Formula at ang hinaharap ng party-list
Ang Panganiban formula ang naging tugon ng Korte Suprema sa problema ng pagtukoy ng proportional representation ng party-list. Ang ganitong inter-pretasyon ay umani ng maraming batikos at puna mula sa hanay ng mga grupong party-list mismo at ibang sektor ng lipunan.
Isang matingkad na punang ibinato sa Comelec sa paggamit ng Panganiban formula ay ang di-hamak na pagliit ng bilang ng kinatawan ng mga party-list sa Kongreso. Dahil sa ilalim ng Panganiban formula, tanging ang Numero Unong party-list na lang ang magkakaroon ng pagkakataong makakuha ng maksimum na 3 kinatawan sa HoR. Maliit na nga ang bilang ng mambabatas na galing party-list, lalong pinaliit pa ito ng Panganiban formula. Kaya’t kung tutuusin, nagmimistulang pakunswelo ang pagkakaroon ng representasyon at partisi-pasyon ng marginalized sectors sa pagbalangkas ng mga batas.
Idagdag pa rito ang nasak-sihan nating paglapastangan at pag-abuso ng gobyernong Arroyo at ng mga tradisyunal na pulitiko’t partido sa sistemang party-list nitong nakaraang eleksyon. Sa layuning mapahina at pahirapan ang mga lehitimo’t progresibong grupong party-list sa Mababang Kapulungan ng Kongreso tulad ng Bayan Muna, Anakpawis, Akbayan, Gabriela, atpb., sa pagkakaroon ng maraming kinatawan; at para maparami ang bilang ng mga kakampi ng administrasyon upang mahadlangan o mapatay ang anumang plano at mga aksyon ng oposisyong laban sa gobyernong Arroyo, nagtayo ng mga kaduda-dudang grupong party-list at nagpatakbo ang gobyerno at mga tradisyunal na pulitiko’t partido ng mga nominado sa party-list na kwestiyonable ang nirere-presentang sektor (tingnan ang “Mga Luma at Hindi Gaanong Bago sa 2007 Halalan,” Human Rights Forum IV:1, Enero-Marso 2007).
Malaki ang potensyal ng sistemang party-list para ma-bigyan ng tinig at repre-sentasyon ang mahihirap na mamamayan sa Kongreso. Subalit kailangan itong pala-kasin upang magsilbing epekti-bong sandata ng mamamayan laban sa mga pakana’t maiitim na aksyon ng gobyerno at mga tradisyunal na pulitiko’t partido. Isang kagyat na hakbang tungo sa pagpapalakas nito ay ang masusing pagbabalik-aral at pag-amyenda sa Republic Act No. 7941 o “Party-list System Act of 1995” upang ang mga malalabo at kwestiyonableng probisyon ng batas ay mabago. Ang mga katangian ng sistemang party-list sa bansa, lalo na ang pagtakda ng 20% ng upuan sa HoR para sa party-list at ang hindi obligadong pagpuno nito tuwing eleksyon, ang pagkakaroon ng 2% vote threshold, at ang paglimita sa 3 kinatawan ng bawat kwa-lipikadong party-list, ay ilan sa mga usaping kailangang ayusin sa pag-amyenda ng RA 7941.
Ito ang isang hamon at tungkuling nakaatang sa balikat ng mga mambabatas na tunay na nagtataguyod sa karapatan at kumakatawan sa interes ng mamamayan.
Mga Pinaghanguan:
Muga, Felix P. II. The Panganiban Formula Contradicts the Principle of Proportional Representation. CIBAC Party List. http://www.cibac.org/content/view/120/60/ (Accessed: August 2, 2007)
1987 Constitution of the Republic of the Philippines. http://www.chanrobles.com/philsupremelaw2.html (Accessed: July 6, 2007)
Panganiban, Artemio V. Criticisms of the Panganiban Formula. Eleksyon 2007 – Inquirer.net. http://www.inquirer.net/specialfeatures/eleksyon2007/view.php?article=20070722-78042 (Accessed: August 2, 2007)
Republic Act No. 7941 “Party-list System Act”. 1995. http://www.chanrobles.com/republicanactno7941.htm (Accessed: July 6, 2007)
Veterans Federation Party, et al. vs. Comelec, et al., G.R. No. 136781, October 6, 2000. http://www.supremecourt.gov.ph/jurisprudence/2003/jul2003/..%5C..%5C2000%5Coct2000%5C1367
81. htm (Accessed: July 17, 2007)
Human Rights Forum ARCHIVES
• HRF Volume 4 Number 1 January - March 2007
• HRF Volume 3 Number 4 October - December 2006
• HRF Volume 3 Number 3
July - September 2006
• HRF Volume 3 Numbers 1 & 2 January - June 2006
• HRF Volume 2 Number 4 October - December 2005
• HRF Volume 2 Number 3
July - September 2005
Copyright © 2007 PhilRights All Rights Reserved.
Web Design Services by PixelPunch